Most Wanted Suspects na magkakapatid, arestado sa Batangas

By Clarize Austria August 25, 2019 - 08:54 AM
Timbog ang tatlong magkakapatid na mahigit isang dekada ng pinaghahanap ng pulisya sa lalawigan ng Batangas.   Nakilala ang tatlong suspek na sina Roni, Juanito, at Angelito Armamento na mga magsasaka mula sa Mulanay, Quezon.   Naaresto ang tatlo sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas ng korte sa Lobo, Batangas.   Ayon sa pulisya, ang tatlo umano ang nasa likod ng pagpatay kay Antonio Dalisay noong 2007.   Nag-ugat umano ang krimen dahil sa away sa lupa sa pagitan ng magkakapatid at ng biktima.

TAGS: away sa lupa, magkakapatid na suspek sa pagpatay, mahigit isang dekada ng hinahanap ng pulisya, Naaresto ang tatlo dahil sa kasong murder, away sa lupa, magkakapatid na suspek sa pagpatay, mahigit isang dekada ng hinahanap ng pulisya, Naaresto ang tatlo dahil sa kasong murder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.