2 lugar sa Ilocos Norte, isinailalim sa State of Calamity dahil sa bagyong ‘Ineng’

August 25, 2019 - 08:08 AM

Nagdeklara ng State of Calamity ang bayan lungsod ng Laoag at bayan ng Vintar dahil sa pinsalang iniwan ng Severe Tropical Storm ‘Ineng’ kahapon.

Isinailalim ang Vintar sa sa state of calamity dahil sa mga pagbaha na lumunod sa mahigit 100 hayop, mga nasirang tulay, at mga residenteng na-stranded sa isang barangay.

Inanunsyo naman ng Office of Civil Defense (OCD) ng Laoag City ang State of Calamity dahil sa matinding pagbaha at mga landslides na nag-iwan ng dalawang patay.

Kinilala ang mga biktima na sina Ricky Manlanlan ng Laoag City na nalunod at Pauline Joy Corpuz na natabunan ng lupa sa landslide.

Batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO), nasa 109 barangay ang lubog sa baha kung saan mahigit 4,000 pamilya ang apektado na nagsilikas na sa kani-kanilang mga lugar.

May mga ilang daanan at tulay pa rin naman ang hindi madaanan dahil napinsala ng bagyong nagdaan.

TAGS: #BagyongIneng, 109 barangay lubog sa baha, 2 lugar sa Ilocos Norte isinailalim sa state of calamity, 2 patay dahil sa pananalasa ng bagyo, bagyong ineng, #BagyongIneng, 109 barangay lubog sa baha, 2 lugar sa Ilocos Norte isinailalim sa state of calamity, 2 patay dahil sa pananalasa ng bagyo, bagyong ineng

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.