LLDA, bigong makolekta ang P26.46M na bayad mula sa fish operators—COA

By Clarize Austria August 25, 2019 - 07:50 AM

Hindi nalikom ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang nasa P26.46 milyon koleksyon mula sa mga fish pen at fish cages operators sa Laguna de Bay noong 2018.

Batay sa taunang ulat ng Commission on Audit (COA), hindi nakapagbayad ang may-ari ng 3,308 fish cage at fish pen na nasa 110 or 3.3 posyento lang ang nagbayad upang makapangisda sa nasabing lawa.

Sa ilalim ng batas, oligado ang LLDA na mangolekta ng P6,000 kada ektarya ng fish pens habang P4,200 kada ektarya ng fish cages.

Kung hindi naman makokolekta, obligado ang ahensya na hindi muna ibigay ang taunang permit.

Ayon sa COA, ang maliit na bilang ng nagbabayad ngayong taon maaaring dahil sa hindi maayos na proseso ng pangongolekta matapos alisin ng LLDA ang 2017 moratorium sa aquaculture operations.

Paliwanag ng COA, naglabas ang gobyerno ng isang taong moratorium noong February 2017 kung saan inatasan ang lahat ng operator na ubusin na ang kanilang fish stocks bago ang March 2017 at wala ng bagong new stocking ng fingerlings ang papayagan.

Makalipas ang apat na buwan, tinanggal ang moratorium kung saan ang LLDA Board inamyendahan ang dating resolution na maglimita na lamang sa operating permitpara sa mga mag-ari.

Sa bagong moratorium, nilimitahan na rin ang paglalagay ng mga fish cage ofish pen ng hanggang 25 ektarya na lang.

TAGS: Commission on Audit (COA), Laguna Lake Development Authority (LLDA), P26.46 milyon koleksyon mula sa mga fish pen at fish cages operators, Commission on Audit (COA), Laguna Lake Development Authority (LLDA), P26.46 milyon koleksyon mula sa mga fish pen at fish cages operators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.