Bagyong ‘Ineng’ lumabas na ng PAR; bagong LPA, binabantayan

By Clarize Austria August 25, 2019 - 07:28 AM
Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibily (PAR) ang Severe Tropical Storm ‘Ineng’ kagabi at namataan ito Linggo ng umaga sa 500 kilometro silangan-kanluran ng Basco, Batanes.   Bagamat nakabas ng PAR, patuloy na magpapaulan ang hanging Habagat sa kanlurang bahagi Luzon na magdadala ng maulap na kalangitan, ka lat-kalat na pag-ulan at pagkidlat.   Makakaranas din ng maulang panahon ang Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Metro Manila, Calabarzon at Mimaropa.   Magiging maulap na may isolated rainshowers at thunderstorms ang Eastern at Central Luzon.   Sa Bigol ay may maaliwas na pahahon na magkakaroon ng scattered rainshowers at isolated thunderstorms bandang hapon o gabi.   Maaliwalas din ang panahon na may isolated thunderstorms bandang hapon at gabi sa bahagi ng Visayas at Mindanao.   Binabantayan naman ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang panibagong Low Pressure Area (LPA) na namataan sa 1,695 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at inaasahang papasor ng PAR sa Lunes (August 26).   Kung magiging ganap na bagyo ang LPA, maari itong tumama sa Northern at Central Luzon.

 

TAGS: Hanging Habagat, Low Pressure Area (LPA) na namataan silangan ng Hinatuan Surigao del Sur, maulang panahon, Severe Tropical Storm Ineng, Hanging Habagat, Low Pressure Area (LPA) na namataan silangan ng Hinatuan Surigao del Sur, maulang panahon, Severe Tropical Storm Ineng

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.