Lalaki arestado dahil sa droga sa Makati

By Noel Talacay August 25, 2019 - 04:41 AM

Arestado dahil sa droga ang isang lalaki na unang sinita dahil sa pagdadala ng patalim sa Barangay South Cembo, Makati City.

Hindi na nakalabas ng kulungan ang lalaki matapos itong isumbong sa pulis ng kanyang mga kapit-bahay dahil sa pagdadala ng patalim.

Ayon sa Makati PNP, sinita nila ang suspek na si Christopher Bumanglag, 38 anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Kinapkapan nila ang suspek at natuklasan nila na may dala rin itong isang maliit na sachet na umano’y shabu.

Dinala si Bumanglag sa Makati Police Station at napag-alaman na nasa drugs watchlist nila ito.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal possession of bladed weapon.

 

TAGS: Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drugs watchlist, Illegal possession of bladed weapon, Lalaki arestado, Makati, patalim, shabu, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drugs watchlist, Illegal possession of bladed weapon, Lalaki arestado, Makati, patalim, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.