Pansamantalang suspensyon ng batas ukol sa good conduct ng inmates ikinukunsidera

By Len Montaño August 25, 2019 - 04:30 AM

Sa gitna ng mga batikos, seryosong ikinukunsidera ng Department of Justice (DOJ) ang pansamantalang suspensyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ng mga inmate.

Ang hakbang ay kasunod ng mga batikos laban sa inihayag ng DOJ na paglaya ng convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nire-review ng ahensya ang alituntunin ng GCTA na una nitong sinabi na pagbabatayan para sa paglaya ni Sanchez at mahigit 10,000 inmates na umanoy nagpakita ng magandang asal sa kulungan.

Dagdag ni Guevarra, matapos ang review ay ang bagong guideline na ang pagbabasehan ng Bureau of Corrections sa pagpapalaya sa kwalipikadong inmate.

“We’re considering seriously the need to temporarily suspend the processing of GCTAs ’til the BuCor guidelines has been reviewed and firmed up,” mensahe ng kalihim sa media araw ng Sabado.

Isa sana si Sanchez sa makikinabang sa Republic Act 10592 o ang batas na magdaragdag ng GCTA na ibinibigay sa inmates.

Sinabi naman na Guevarra na may epekto ang suspensyon ng GCTA sa mga deserving inmates.

Pero bibilis naman anya ang proseso ng paglaya ng mga kwalipikadong preso kapag mayroon ng bagong guideline.

 

TAGS: Antonio Sanchez, DOJ, GCTA, good conduct, guideline, inmate, Justice Secretary Menardo Guevarra., paglaya, pansamantalang suspensyon, Republic Act 10592, review, Antonio Sanchez, DOJ, GCTA, good conduct, guideline, inmate, Justice Secretary Menardo Guevarra., paglaya, pansamantalang suspensyon, Republic Act 10592, review

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.