4 na drug suspek timbog sa buy-bust operation sa QC

By Noel Talacay August 25, 2019 - 04:07 AM

Arestado ang apat na drug suspek matapos ang ginawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Old Balara, Quezon City.

Target ng Quezon City Police ang suspek na si alyas Carlo, 26 anyos na umamin na siya ang source ng ipinagbabawal na droga.

Inaresto rin ang mga parokyano nitong sina alyas Bryan, 20 anyos; Alyas Antonitte, 44 anyos; at alyas Jonas, 37 anyos.

Pero itinatangi ng tatlo ang pagkakadawit nila sa ilegal na droga.

Nakuha sa mga suspek ang 12 sachet ng hinihinalang shabu at ang ginamit na buy-bust money.

Napag-alaman na dati ng nakulong ang mga suspek dahil sa ipinagbabawal na droga, maliban kay alyas Jonas.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, quezon city, 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.