Ilang bahagi ng Mindanao mawawalan ng supply ng kuryente ngayong Linggo
Nag-abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na papalitan nila ang ilang pasilidad sa Sultan Kudarat at Maguindanao.
Dahil dito, magdudulot ito ng 11 oras na walang kuryente, ngayong araw ng Linggo, (August 25) na magsisimula ng alas 7:45 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.
Apektado ang mga consumer ng SUKELCO at MAGELCO, mga electric cooperative sa lalawigan.
Apat na oras naman na walang kuryente ang ilang bahagi ng General Santos City at Sarangani Province mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali.
Base sa abiso ng NGCP, ito ay dahil sa gaggawing maintenance activity sa Gensan Substation, kung saan apektado ang mga consumer ng SOCOTECO-2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.