Libo-libong katao ang nagprotesta kasabay ng pagdating sa France ng mga lider mula sa Group of 7 (G7) nations para sa isang summit.
Nagtipon ang nasa 9,000 mga raliyista sa coastal town na Hendaye para isulong ang iba’t ibang isyu gaya ng kalikasan.
Bitbit ng mga nagprotesta ang banner na may mensahe ukol sa wildfire sa Amazon at kung ano ang ginagawa ng mga G7 leaders.
Nag-martsa ang mga tao sa Bidassoa River paputa sa Irun, Spain.
Naka-alerto naman ang mga otoridad at naka-lockdown ang venue ng summit.
Mula nang magsimula ang protesta, halos 20 raliyista na ang naaresto habang nasa apat na pulis na ang nasugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.