Marian Rivera dumipensa sa pagbigay ng solid food kay Baby Ziggy

By Len Montaño August 25, 2019 - 02:27 AM

Iginiit ni Marian Rivera na hindi niya layong itigil ang breastfeeding kahit binibigyan na niya ng solid food ang 4 na buwang gulang na anak na si Ziggy.

Depensa ito ni Marian matapos na may bumatikos sa pagpapakain niya ng broccoli puree sa kanyang anak.

Sinabihan ng isang netizen ang aktres na dapat pakainin ng solid food ang baby kapag 8 buwan gulang na.

Pero paliwanag ni Marian, hindi dahil pinapakain na niya ng solid food si Ziggy ay ititigil na niya ang kanyang pagiging “padedemom.”

Alam umano ng aktres ang halaga ng breastfeeding kaya wala siyang plano na ihinto ito hanggang pwede.

Apela ni Marian sa publiko, sana ay hindi makasakit ng damdamin sa pagsusulong ng adbokasiya ukol sa breastfeeding.

Sana rin anya ay hindi gamitin ang kanyang pangalan sa mga komento at mensahe na humuhusga sa pagbibigay niya ng solid food kay Ziggy.

Mula pa sa panganay na anak nila ni Dingdong Dantes na si Zia ay breastfeeding mom na si Marian.

Katunayan, sa pangalawang anak na si Ziggy ay marami itong breastmilk kaya nagdonate si Marian sa mga bata na kailangan ng breastmilk.

 

TAGS: breastfeeding, breastmilk, broccoli puree, Dingdong Dantes, Marian Rivera, padedemom, solid food, Zia, Ziggy, breastfeeding, breastmilk, broccoli puree, Dingdong Dantes, Marian Rivera, padedemom, solid food, Zia, Ziggy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.