Mga pasahero pinalikas sa dalawang train station sa Munich, Germany
Halos isang oras bago salubungin ang Bagong Taon sa Germany, nakatanggap ng ulat ang mga otoridad doon hinggil sa posibleng pag-atake ng mga terorista.
Dahil sa nasabing banta, pinabakante ng Munich Police ang dalawang train stations na “Hauptbahnhof” at “Pasing”.
Sa tweet ng Munich Police, pinayuhan ang publiko na iwasan ang nasabing mga rain station. “There is the danger of an attack in the area of Munich, please keep away from crowds, avoid the central station and the rail station Pasing,” nakasaad sa tweet.
Ayon sa mga otoridad, seryoso ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa magaganap na pag-atake.
Dalawang konkretong impormasyon umano ang natanggap ng mga pulis pero hindi na inilahad pa ang detalye hinggil dito.
Ang Munich na capital ng Bavaria ay mayroong nasa 1.4 million na residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.