Higit 20 pamilya sa isang barangay sa Zamboanga City apektado ng baha

By Noel Talacay August 25, 2019 - 01:13 AM

Mahigit 20 na pamilya ang apektado ng pagbaha sa lungsod ng Zamboanga dulot ng masamang lagay ng panahon.

Kinumpirma ni Barangay 44 Captain Elmer Lorenzo na ilang kabahayan ang apektado ng baha.

Aniya nagbigay na siya ng abiso sa mga residente sa barangay tungkol sa posibleng pagbaha dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Ikinadismaya ni Lorenzo na may mga tao na matigas ang ulo at tumatawid sa ilog ng kanilang barangay kahit ipinagbawal niya ito.

Pahayag ni Lorenzo, biglang tumaas ang tubig sa ilog dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan.

 

TAGS: 20 pamilya, baha, Barangay 44, Zamboanga City, 20 pamilya, baha, Barangay 44, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.