Sotto may litrato ni Sanchez na naka-damit pambabae sa kulungan

Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na may hawak siyang katibayan na nagsusuot ng pambabaeng damit sa loob ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa ang convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Sotto, ipiprisinta niya sa publiko ang larawan kung saan makikita na naka-damit pambabae ang dating alkalde.

Pahayag ito ni Sotto kasunod ng sinabi ni Senator Ronald Bato Dela Rosa na isa ng “changed man” si Sanchez.

Unang sinabi ni Dela Rosa na ayon anya sa mga correction officers ay nagbait at hindi na siga si Sanchez at nakikita nilang nagpapalda na ito.

Iginiit naman ni Sotto ang panawagan na ma-review ang batas na maaaring pagbatayan kung makakalaya na si Sanchez.

Naghain na ang senador ng resolusyon na layong suriin ang implementasyon ng batas ukol sa good conduct time allowance (GCTA) sa inmate na gaya ni Sanchez.

 

Read more...