Dalagita nasawi sa landslide sa Ilocos Norte; Mga alagang hayop patay naman sa baha

By Len Montaño August 25, 2019 - 12:43 AM

Credit: OCD 1 Dir. Melchito Castro

Isang 17 anyos na dalagita ang nasawi dahil sa landslide sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Ito ay sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Ineng bago ito nakalabas ng bansa.

Ibinahagi ni Office of Civil Defense 1 Director Melchito Castro ang larawan na nagpakita ng matinding epekto ng bagyo sa Ilocos Norte.

Sa larawan ay makikita na buhat ng isang lalaki ang bangkay ng dalagita.

Samantala, ilang alagang hayop ang namatay naman dahil sa matinding baha sa lalawigan.

Sa larawan na ibinahagi rin ni Castro ay makikita ang isang bata na nasa gitna ng mga alagang hayop na patay sa baha.

Ayon sa Pag-asa, bagamat wala na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Ineng ay patuloy na inuulan ang Luzon dahil sa epekto ng Hanging Habagat.

 

TAGS: alagang hayop, bagyong ineng, baha, dalagita, habagat, ilocos norte, landslide, nasawi, Office of Civil Defense 1, PAR, pasuquin, alagang hayop, bagyong ineng, baha, dalagita, habagat, ilocos norte, landslide, nasawi, Office of Civil Defense 1, PAR, pasuquin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.