Ginang patay sa pamamaril ng riding in tandem sa Digos City

By Noel Talacay August 24, 2019 - 11:13 PM

Patay ang isang ginang matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa San Miguel Village, Digos City.

Kinilala ang biktima na si Estrella Baisok Camallere, 50-anyos, residente ng nasabing village at isang call center agent.

Ayon kay Senior Master Sgt. Reagan Patricio ng Digos Police, pupunta si Camallere sa regional trial court (RTC) para sa pandinig sa kasong may kaugnayan sa lupa.

Nilapitan ang biktima ng hindi nakilalang dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at bigla itong pinagbabaril.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang ilang pirasong basyo ng bala ng .45 caliber.

Ayon sa pulisya, walang nawawalang gamit ang biktima at hindi kinuha ang bag nito na may lamang dalawang relo, P3,000 na cash, ID at iba pang gamit.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para malaman ang motibo ng pagpatay sa biktima at kung sino ang nasa likod ng krimen.

Naganap ang pamamaril kahit may umiiral na martial law sa buong Mindanao.

 

TAGS: digos city, ginang, hearing, Martial Law, patay sa pamamaril, riding in tandem, rtc, digos city, ginang, hearing, Martial Law, patay sa pamamaril, riding in tandem, rtc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.