Timbog ang dalawang lalaking kilalang tulak ng droga matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Pasig City, pasado alas-5:00, Sabado ng hapon.
Nakilala ang suspek na sina Ryan Caiton, 29-anyos at Julius Villanueva, 29-anyos at parehong residente ng Pinagbuhatan, Pasig City.
Nakuha mula sa mga suspek ang 25 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000, isang kotse, isang motorsiklo, isang weighing scale at ang P1,000 na ginamit bilang buy-bust money.
Nangyari ang nasabing operasyon sa Urbano Velasco Avenue, Pinagbuhatan Pasig City.
Ginawa ito ng pinagsanib pwersa ng Pasig City PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.