Dating DENR Secretary Gina Lopez, inilibing na

By Len Montaño August 24, 2019 - 10:51 PM

Photo by Krissy Aguilar / INQUIRER.net

Naging pribado ang paghatid sa huling hantungan ng philanthropist, dating Environment Secretary at ABS-CBN Foundation chairperson Gina Lopez araw ng Sabado.

Sa pangunguna ng nakababatang kapatid ni Lopez na si Ernie Lopez, nagpasalamat ang pamilya sa mga nakiramay sa kanila.

Sinabayan ng malakas na ulan ang paglilibing kay Lopez na dinaluhan ng mga kaanak, malalapit na kaibigan at mga kasama nito sa Bantay Kalikasan.

Una rito sa necrological service sa huling araw ng burol ay nagsalita si ABS-CBN Chairmen Emeritus Gabby Lopez na nakatatandang kapalit ni Gina.

Binanggit nito ang pagmamahal ni Gina sa mga Pilipino at kalikasan, bagay na ginamit nito sa pagkamit ng mga imposibleng gawain.

Pumanaw si Gina Lopez dahil sa multiple organ failure sa edad na 65.

Taong 2017 nang ma-diagnose ang dating kalihim na may sakit na breast cancer at ngayong taon ay nagkaroon na rin ito ng brain cancer.

 

TAGS: dating DENR Secretary, environmentalist, gina lopez, hinatid sa huling hantungan, inilibing na, kalikasan, multiple organ failure, Necrological service, philanthropist, pribado, dating DENR Secretary, environmentalist, gina lopez, hinatid sa huling hantungan, inilibing na, kalikasan, multiple organ failure, Necrological service, philanthropist, pribado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.