4 high value targets arestado sa Cebu City; P6.5M halaga ng shabu nakuha
Arestado ang apat na drug suspects matapos mahulihan ng P6.5 milyon halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyon sa loob ng 24 oras sa Cebu City.
Unang nahuli ng San Nicolas Police sina Jesse Chris Inoc Tura sa bahay nito sa Barangay Pasil at nakuhanan ito ng mahigit P1 milyong halaga ng shabu.
Ayon kay Police Major Kenneth Paul Alborta ng San Nicolas Police, si Tura ay posibleng miyembro ng sindikato ng droga na ang pangunahing supplier ay nasa loob ng city jail.
Sunod na naaresto sina Arvin Barentos, 38 at Weamsy Bayang, 20 sa buy bust operation ng Waterfront Police Station araw ng Sabado.
Ayon sa pulisya, tatlong linggo nang minamanmanan ang dalawa na nagsu-supply ng droga sa kanilang mga parokyano habang sakay ng motorsiklo.
Ayon kay Police Senior Master Sergeant Erasmo Rose Jr., nakuha kina Bayang at Barentos ang 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.95 milyon.
Biyernes ng madaling araw nang naaresto si Ludevico Abadiez, 29 sa raid sa Barangay Ermita.
Nakumpiska sa suspek ang 520 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng higit P3.5 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.