Ilang flights nai-divert sa Clark International Airport dahil sa malakas na ulan

Inquirer file photo

Inanunsyo ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nai-divert ang ilang mga flights sa Clark International Airport dahil sa patuloy na mga pag-ulan.

Sa kanilang advisory, Sinabi ng Manila International Airport Authority na prayoridad nila ang kaligtasan ng publiko kaya pansamantalang nai-divert sa Clark ang ilang mga flights.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

Philippine Airlines:

PR 383: Canton-Manila

Cebu Pacific:

5J 322: Legazpi-Manila

5J 620: Tagbilaran-Manila

5J 782: Ozamiz-Manila

5J 962: Davao-Manila

Qatar Airways:

QR 934: Doha-Manila

Air Asia:

Z2 764: Cebu-Manila

CebGo:

DG 6113: Manila-Naga

Para sa mga dagdag na tanong ay pinapayuhan ang publiko na makipag-ugnayan sa tanggapan ng mga apektadong airline companies.

Read more...