Bagyong Ineng palabas na ng bansa pero may papasok na bagong bagyo

Namataan ng PAGASA ang panibagong low pressure area na kumikilos sa Mindanao.

Huling namataan ang LPA 1,900 kilometro silangang bahagi ng Mindanao.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Gener Quitlong,  wala panamang direktang epekto sa bansa ang nasabing sama ng panahon.

Samantala, inaasahang lalabas ng PAR ang bagyong Ineng Sabado ng hapon o sa gabi.

Pero habang papalabas ito ng bansa ay asahan pa rin ang mga pag-ulan dahil hahatakin ni Ineng ang Habagat.

Read more...