4 patay, 33 nawawala matapos masunog ang isang barko sa Indonesia

By Rhommel Balasbas August 24, 2019 - 04:57 AM

AFP photo

Patay ang hindi bababa sa apat katao habang 33 ang nawawala matapos masunog ang isang ferry sa bahagi ng Java, Indonesia.

Naglalayag ang KM Santika Nusantara sa pagitan ng Surabaya at bayan ng Balikpapan ng Borneo sakay ang 277 katao nang masunog ito simula noong Huwebes ng gabi.

Sa mga larawan ng local media araw ng Biyernes, makikita ang makapal na usok na nagmumula sa barko habang nagpapatuloy ang paghahanap sa nawawala pang pasahero.

Kinumpirma ni East Java police spokesperson Frans Barung Mangera ang pagkasawi ng apat katao habang nasa tatlong dosena pa ang hindi pa nakikita.

Ayon sa state media na Antara, 143 katao na ang nailigtas.

Pero sinabi ng tagapagsalita ng Surabaya Search and Rescue Agency na si Tholib Vatelehan, batay sa manifesto ng ferry, 111 pasahero lamang ang nakalistang pasahero.

Mas mataas na ang bilang ng nailigtas na pasahero kumpara sa nakalista sa manifesto dahilan para mahirapang malaman ang tiyak na bilang ng sakay ng barko.

“Thus, a lack of clarity still exists on the exact count of passengers the MV Santika Nusantara had onboard,” ani Vatelehan.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng aksidente.

Ang ferries ay mahalagang uri ng transportasyon sa Indonesia na isang mahabang archipelago at mayroong 17,000 isla.

Gayunman, ang safety standards para sa mga ferry ay hindi naipatutupad ng mahigpit at kadalasang nagaganap ang mga aksidente.

 

TAGS: 143 nailigtas, 33 nawawala, 4 patay, Barko, indonesia, KM Santika Nusantara, safety standards, sunog, 143 nailigtas, 33 nawawala, 4 patay, Barko, indonesia, KM Santika Nusantara, safety standards, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.