664 empleyado ng PDEA negatibo sa droga

By Rhommel Balasbas August 24, 2019 - 04:29 AM

Walang kahit isa sa 664 na empleyado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagpositibo sa droga.

Ito ay matapos ang surprise at mandatory drug test na isinagawa sa mga empleyado noong Huwebes.

Ayon sa pahayag ni PDEA Director General Aaron Aquino araw ng Biyernes, negatibo sa presensya ng iligal na droga ang urine samples na kinuha sa mga opisyal at empleyado ng ahensya.

Isinasagawa anya ang surprise mandatory drug test isa hanggang dalawang beses kada taon o maaaring higit pa kapag may kahina-hinalang paggamit ng droga ang personnel.

Paliwanag ni Aquino, alinsunod ang drug test sa Section 36 (e) ng Article III ng RA 9165 o  Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na nag-oobliga sa militar, pulisya at iba pang law enforcement agencies na sumailalim sa taunang mandatory drug test.

Ito na ang ikalawang mandatory and surprise drug test ng ahensya ngayong taon kung saan ang una ay naganap noong January 18.

Dapat umanong drug-free ang PDEA bilang pangunahing anti-drug law enforcement agency sa bansa.

“PDEA must be drug-free. It should be because we are the prime implementers of the anti-drug law. It establishes our credibility and moral ascendancy to lead the national anti-drug campaign,” ani Aquino.

 

TAGS: 664 empleyado, Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, mandatory drug test, negatibo, PDEA, PDEA director general Aaron Aquino, surprise drug test, 664 empleyado, Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, mandatory drug test, negatibo, PDEA, PDEA director general Aaron Aquino, surprise drug test

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.