2016, masayang sinalubong ng mga Pilipino
Iba’t iba ang naging pamamaraan ng mga Pilipino sa pagsalubong ng bagong taong 2016.
Dahil naging bahagyang maulan sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig probinsya, ang ilan ay talagang pinili na lamang na huwag nang gumamit ng paputok dahil mababasa lamang ang kanilang mga biniling paputok.
Nagsilbi rin na magandang senyales ang ulan na madalas na iniuugnay ng mga tao sa biyaya sa bagong taon, dahil napapa-dalawang isip ang mga tao bago magpaputok.
Nakaranas rin ng pag-ulan ang Tagaytay City kung saan naranasan ng mga motorista ang makapal-kapal na hamog dakong alas-5 pa lamang ng hapon, Huwebes, kaya’t bahagya silang nahirapan sa pagmamaneho.
Hindi lamang naging ligtas ang mga daliri at mahagi ng katawan na maaring madiusgrasya, nakabawas din ito sa malamang na usok na mag-iipon ipon sa ere bilang ‘smog’ kinabukasan.
Ang iba naman, hindi pa rin alintana ang pagiging basa ng mga kalsada at itinuloy pa rin ang pagsisindi ng mga paputok at pailaw tulad na lamang sa Makati City na patuloy pa rin ang mga fireworks kahit pa lumalakas na ng bahagya ang ulan.
Pero ang pinakamaganda na sigurong pamamaraan sa pagsalubong ng bagong taon ay ang pagkakaroon na lamang ng masasaya at maiingay na party gamit ang malalakas na tugtugan at mga torotot.
Tulad sa isang barangay sa Quezon City kung saan sinisita ng mga tanod ang sinumang residente na nagbabalak mag-sindi ng paputok.
Nakagawian na rin sa mga barangay ang paglalabas ng pakain ng bawat tahanan para ipamahagi at sama-samang pagsaluhan ng lahat ng magka-kapitbahay.
Sa kabuuan, may kani-kaniya mang tradisyon at nakagawian sa pagsalubong sa bagong taon, ang pinakamahalaga ay sinalubong ito ng masaya, ligtas, at may pag-asa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.