Sa nakalipas na mga taon, ang android versions ay ipinangalan sa sweet desserts tulad ng Jellybean, Kitkat, Lollipop, Marshmallow, Nougat, Oreo at Pie.
Pero sa bagong henerasyon ng Android OS, imbes na ipangalan ang Android Q sa isang pagkain, tatawagin na lamang itong Android 10.
Paliwanag ni Android vice president of product management Sameer Samat, bilang global operating system, mahalagang ang mga pangalan ay malinaw at naiintindihan ng kahit anong lahi sa buong mundo.
“As a global operating system, it’s important that these names are clear and relatable for everyone in the world. So, this next release of Android will simply use the version number and be called Android 10,” ani Sameer.
Maging ang android logo ay binago rin ng google at ginawang mas moderno at may ‘accessible look’.
Inaasahang magiging available na sa mga high-end devices sa mga susunod na linggo ang Android 10.