Mark Herras inanunsyo ang relasyon kay Nicole Donesa

By Len Montaño August 24, 2019 - 04:14 AM

Nicole Donesa IG

Pormal na inanunsyo ng aktor na si Mark Herras ang relasyon nila ng aktres na si Nicole Donesa.

Sa social media ay inihayag ni Mark na “in a relationship” na ito kay Nicole.

Nagkasama ang magkasintahan sa natapos na teleserye sa GMA na “Bihag.”

Sa kanya namang panig ay ibinahagi ni Nicole ang ilang larawan nila ni Mark.

Sa isang larawan ay nilagyan pa niya ito ng caption na “Na Bihag.”

Hindi nagkapareha sina Mark at Nicole pero lumutang ang kanilang relasyon dahil sa naglabasang mga litrato na magkasama sila.

Matatandaan na bago si Nicole ay naging kasintahan ni Mark ang actress-beauty queen na si Wynwyn Marquez na unang Filipina na itinanghal na Reina Hispanoamericana noong 2017.

 

TAGS: bihag, in a relationship, Mark Herras, Nicole Donesa, relasyon, Wynwyn Marquez, bihag, in a relationship, Mark Herras, Nicole Donesa, relasyon, Wynwyn Marquez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.