Aso patay matapos saksakin ng pulis na natalo sa mahjong sa Davao City

By Rhommel Balasbas August 24, 2019 - 03:33 AM

Screengrab of Pet Avenue video

Hindi na umabot pa nang buhay sa veterinary clinic ang isang aso na pinagsasaksak ng isang pulis na natalo sa mahjong sa Davao City.

Ayon sa may-ari ng aso na si Noel Abanales, naglalaro ng mahjong ang pulis na si Master Sgt. Julius Garcia sa lamay ng kapitbahay nang mairita ito matapos matalo.

Pinagbuntunan ng pulis ang asong si ‘Gabriela’ at pinagsasaksak ng hindi pa matukoy na patalim hanggang sa mamatay.

Si Garcia ay miyembro ng Police Security Protection Group (PSPG).

Mariing kinondena ng grupong Animal Rescue Rehabilitation and Fostering (ARRF) ang pagpatay sa aso, lalo’t hindi nagampanan ng pulis ang trabaho nito bilang tagapagprotekta ng mga karapatan.

Ayon kay Marites Batacan ng ARFF, ang ginawa ng pulis ay hindi lamang pagbastos sa karapatan ng dog-owner kundi pagkitil din sa buhay ng walang laban na aso.

Samantala, hinikayat ni Davao City Police Office Director Police Col. Alexander Tagum si Abanales at ang mga testigo na magsumbong sa pulis at magsampa ng kaso laban sa suspek.

Titingnan ni Tagum ang posibilidad ng pagsasampa ng kasong administratibo laban kay Garcia.

Ayon sa police official, ang pagpatay ni Garcia sa kaawa-awang aso ay hindi kukunsintihin at susuportahan anya ng hanay ng pulisya ang dog owner sa kaso.

 

TAGS: aso, Davao City, gabriela, mahjong, nairita, Natalo, Police Security Protection Group, Pulis, sinaksak, veterinary clinic, aso, Davao City, gabriela, mahjong, nairita, Natalo, Police Security Protection Group, Pulis, sinaksak, veterinary clinic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.