Ilocos Norte nagpatupad na rin ng temporary ban sa baboy at pork products

By Rhommel Balasbas August 24, 2019 - 02:47 AM

Nagpatupad na rin ng temporary ban sa pagpasok ng baboy at mga pork products ang Ilocos Norte dahil pa rin sa banta ng nakahahawang sakit sa mga hayop.

Ayon sa Executive Order na nilagdaan ni Gov. Matthew Joseph Marcos Manotoc araw ng Biyernes, epektibo ang temporary ban sa Ilocos Norte hanggang hindi pa idinedeklara ng Bureau of Animal Industry (BAI) na ligtas na ang swine industry sa bansa.

Magugunitang ilang mga lalawigan na rin ang nagbawal sa pagpasok ng baboy at mga produkto mula rito dahil sa pagkamatay ng mga baboy sa Rodriguez, Rizal.

Naka-heightened alert ang buong bansa dahil sa banta ng nakamamatay na African swine fever (ASF) sa P260 bilyong pork industry ng Pilipinas.

Pero ang pagkamatay ng mga baboy sa Rizal ay hindi pa kinukumpirmang dahil sa ASF at hinihintay pa ang resulta ng isinagawang laboratory tests.

TAGS: African Swine Fever, baboy, Bureau of Animal Industry, EO, Gov. Matthew Joseph Marcos Manotoc, Heightened Alert, ilocos norte, laboratory test, temporary ban, African Swine Fever, baboy, Bureau of Animal Industry, EO, Gov. Matthew Joseph Marcos Manotoc, Heightened Alert, ilocos norte, laboratory test, temporary ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.