Halos 200 na ang bilang na biktima ng paputok

naputukan
Inquirer file photo

Ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, tumaas na ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa halos dalawangdaan at inaasahan pa na tataas ito hanggang sa pagpasok ng 2016.

Ayon kay Department of Health Sec. Janette Garin, nasa ilalim na ng ‘code white’ ang lahat ng mga pangunahing pampublikong ospital sa Metro Manila.

Ito ay nangangahulugan na lahat ng mga doktor at nurse ay ‘on call’ sa inaasahang pagbuhos ng mga mabibiktima ng paputok.

Base sa pinakahuling report ng DOH, umabot na sa 185 ang bilang ng firecracker-related incidents simula 6am ng December 21 hanggang kaninang 6am ng umaga.

Kasama na sa naturang bilang ang naitalang apat na kaso ng stray bullet.

Ayon naman kay DOH spokesperson Undersecretary Lyndon Lee Suy ang naturang bilang ay mas mababa ng 57 percent sa kaparehong panahon noong 2014.

Read more...