2 sundalo, 2 rebelde patay sa engkwentro sa Calbayog City

By Len Montaño August 23, 2019 - 11:56 PM

Nasawi ang dalawang sundalo at dalawang rebelde sa dalawang oras na sagupaan ng tropa ng gobyerno at New People’s Army (NPA) sa Calbayog City araw ng Biyernes.

Naka-engkwentro ng mga miyembro ng 43rd Infantry Battalion ang mga rebelde sa Barangay Olera.

Isang sundalo ang inisyal na namatay at dalawang iba pa ang nasugatan.

Pero ang dalawang sugatan na sundalo ay hindi na umabot ng buhay sa ospital.

Ang naka-sagupa ng pwersa ng pamahalaan ay mga rebelde sa ilalim ni Salvador Nordan alyas Badok o Gahi.

Iniwan ng mga rebelde ang bangkay ng dalawa nilang kasamahan sa lugar ng bakbakan.

Narekober naman sa lugar ang dalawang M-14 rifles.

 

TAGS: 2 rebelde, 2 sundalo, bakbakan, Calbayog City, dead on arrival, engkwentro, NPA, patay, rebelde, sagupaan, tropa ng gobyerno, 2 rebelde, 2 sundalo, bakbakan, Calbayog City, dead on arrival, engkwentro, NPA, patay, rebelde, sagupaan, tropa ng gobyerno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.