P15M halaga ng gamit na mga cellphone at accessories mula Korea nasabat sa NAIA-Customs

By Len Montaño August 23, 2019 - 11:29 PM

Bureau of Customs NAIA photo

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang P15 milyong halaga ng gamit na mga cellphone at accessories mula Korea na walang permit mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

Ang 825 units ng mga second-hand na cp at accessories ay nasa dalawang magkahiwalay na shipment na may parehong consignee.

Kabilang sa kontrabando ang mga gamit na smart phones, Lithium batteries at phone accessories.

Inalam ng BOC-NAIA mula sa NTC kung kailangan ba na may permit sa kanila ang pagpasok ng mga gamit ng cellphones at accessories.

Nabatid na hindi nagbibigay ang NTC ng mga permit para sa mga gamit na cellphones liban iyong mga para sa “personal use” o bilang regalo sa mga kaanak nang hindi layong ibenta “commercially.”

Ayon sa NTC, para sa kaligtasan, seguridad at proteksyon ng kapakanan ng mga manufacturers, sadyang hindi sila nagbibigay ng permit para sa mga used cellphones at accessories.

Isa naman itong magandang balita para sa Samsung Philippines dahil naiwasan ang pagpasok sa bansa ng mga pekeng produkto na walang kaukulang importation permit at sapat na quality control.

Hinimok ng kumpanya ang publiko na bumili lamang ng cellphone at accessory sa authorized na tindahan ng Samsung.

 

TAGS: accessories, BOC-NAIA, cellphones, korea, NTC, P15 milyong halaga, peke, permit, Samsung, accessories, BOC-NAIA, cellphones, korea, NTC, P15 milyong halaga, peke, permit, Samsung

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.