Bangkay ng 3 tao na pinatay umano ng NPA nahukay sa Bukidnon
Hinukay ang tatlong bangkay na pinaniniwalaang pinatay ng mga rebelde sa isang lugar sa Bukidnon.
Ayon sa 10th Infantry Division ng Philippine Army, nadiskubre ng militar ang pinagbaunan ng mga bangkay ng tatlo na naging bihag at pinatay ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Sa tulong ng mga residente sa lugar, hinukay ang bangkay ng retiradong pulis na si Joel Rey Miqu, ng tribal leader na si Dionisio Camarullo at ni Army Sgt. Reynante Havana Espana.
Kinumpirma ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) na nadiskubre ang mga bangkay sa Barangay Digongan sa Kitaokitao, Bukidnon araw ng Huwebes.
Ang mga miyembro ng Komiting Rebolusyonaryo sa Municipalidad na kumalas sa NPA ang nagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng grave site.
Nabatid na hanggang noong Hulyo ay nagbigay pa ng pera ang pamilya ng tatlong biktima sa pag-aakalang buhay pa ang mga ito.
Dinukot ng mga rebelde ang tatlo noong August 22, 2017 sa highway sa Kalagangan sa parehong munisipalidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.