San Benito, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.2 na lindol
By Angellic Jordan August 23, 2019 - 09:18 PM
Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Surigao del Norte, Biyernes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa 8 kilometers Northwest ng San Benito bandang 8:57 ng gabi.
9 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Wala namang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.