Ito ay matapos makaranas ng systems disruption sa paliparan dahil sa network failure simula August 21, 2019.
Ayon kay Raja Azmi Raja Nazuddin, chief executive officer ng Malaysia Airports group, nagkaroon na ng positibong progreso sa network stability.
Ngunit, nakararanas pa rin aniya ng pagkaantala sa operasyon ng KLIA Main terminal.
Patuloy naman aniya ang pagbabantay sa nararanasang isyu sa nasabing paliparan.
Tumutulong din aniya ang mga airline company para masolusyunan at matuloy ang mga flight operation.
Dagdag pa nito, nagtalaga ng karagdagang tauhan para maasistihan ang mga pasahero.
Ani Nazuddin, hindi apektado ang ikalawang terminal ng KLIA.
Humingi rin ito ng pang-unawa at pasensiya sa mga publiko.