Network equipment ng Kuala Lumpur International Airport, pinalitan matapos ang naranasang network failure

By Angellic Jordan August 23, 2019 - 09:17 PM

Pinalitan na ang network equipment sa Kuala Lumpur International Airport (KLIA) sa Malaysia.

Ito ay matapos makaranas ng systems disruption sa paliparan dahil sa network failure simula August 21, 2019.

Ayon kay Raja Azmi Raja Nazuddin, chief executive officer ng Malaysia Airports group, nagkaroon na ng positibong progreso sa network stability.

Ngunit, nakararanas pa rin aniya ng pagkaantala sa operasyon ng KLIA Main terminal.

Patuloy naman aniya ang pagbabantay sa nararanasang isyu sa nasabing paliparan.

Tumutulong din aniya ang mga airline company para masolusyunan at matuloy ang mga flight operation.

Dagdag pa nito, nagtalaga ng karagdagang tauhan para maasistihan ang mga pasahero.

Ani Nazuddin, hindi apektado ang ikalawang terminal ng KLIA.

Humingi rin ito ng pang-unawa at pasensiya sa mga publiko.

TAGS: Kuala Lumpur International Airport, Malaysia Airports group, network equipment, network failure, Raja Azmi Raja Nazuddin, Kuala Lumpur International Airport, Malaysia Airports group, network equipment, network failure, Raja Azmi Raja Nazuddin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.