DILG, pinuri ang mga bagong ordinansa ng Marikina City

By Noel Talacay August 23, 2019 - 08:51 PM

Pinuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dalawang ginawang ordinansa ng lokal na pamahalaan ng Marikina City.

Ang mga ordinansang ito ay ang pagbibigay pahintulot sa mga motorista na gamitin ang mga kalsada ng mga subdivision at ang “No Garage, No Permit.”

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na pinupuri nila ang Marikina City sa pagtugon ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin at paluwagin ang mga kalsada.

Aniya, kinakailangang manindigan at magpakita ng political will ang mga pamahalaang lokal sa pagsasabatas ng mga bagong polisiya kaugnay sa paglilinis ng kalsada sa Metro Manila.

Hinikayat ni Año ang lahat ng mga local government unit (LGU) sa bansa na sundan ang ginagawa ng Marikina City at maging matapang sa pagpapasa ng kanilang mga ordinansa.

Paliwanag ni Año, ang kasalukuyang kondisyon ng trapiko sa bansa, lalo na sa mga urban area, ay nagdulot nang malaking dagok sa ekonomiya at ang pagbubukas ng mga pribadong subdivision bilang secondary o alternate na ruta ay makatutulong upang maibsan ang trapiko, hindi lang sa Metro Manila, kundi sa buong bansa.

TAGS: DILG, Marikina City, Sec. Eduardo Año, DILG, Marikina City, Sec. Eduardo Año

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.