Kita ng PAGCOR sa susunod na taon, inaasahang aabot sa higit P75B

By Erwin Aguilon August 23, 2019 - 08:44 PM

Aabot sa P75.178 bilyon ang inaasahang income ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa taong 2020.

Sa pagdinig ng Kamara, sinabi PAGCOR Vice President James Patrick Bondoc na mas mataas ito kumpara sa kasalukuyang P73.887 milyon na estimated income sa 2019.

Tumaas din sa P34.923 bilyon ang government share ng PAGCOR kumpara sa share na naibigay sa pamahalaan na nasa P27.174 bilyon noong 2017 at P32.170 bilyon noong 2018.

Bumaba naman ng humigit kumulang P3 bilyon ang share ng PAGCOR sa mga socio-civic project na nasa P8.803 bilyon na lamang sa 2020 mula sa kasalukuyang P11.856 bilyon sa 2019.

Samantala, ipinagmalaki naman ng PAGCOR ang pagtaas sa P104.12 bilyon na kita noong 2018 na halos kalahating porsyento ang itinaas sa P59.85 bilyon noong 2017.

Sa unang bahagi ng 2019 o mula January hanggang June, nasa P38.08 bilyon na ang na-generate na kita habang P27.56 bilyon ang naiaambag na ng ahensya na alokasyon para sa nation-building.

TAGS: pagcor, pagcor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.