Yellow rainfall warning, itinaas sa Zambales

By Angellic Jordan, Noel Talacay August 23, 2019 - 08:33 PM

PAGASA photo

Itinaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa Zambales.

Sa abiso ng weather bureau bandang 8:00 ng gabi, ito ay bunsod pa rin ng umiiral na southwest monsoon o hanging habagat.

Asahan naman ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila sa susunod na dalawang oras.

Parehong sama ng panahon din ang mararamdaman sa Cavite, Pampanga, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac at Batangas sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Inabisuhan naman ang publiko at mga Disaster Risk Reduction ang Management Office na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

TAGS: habagat, Metro Manila, Pagasa, ulan, zambales, habagat, Metro Manila, Pagasa, ulan, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.