Sen. Bong Go, walang problema kung imbestigahan ang Malasakit Center

By Angellic Jordan August 23, 2019 - 08:31 PM

Kuha ni Fritz Sales

Walang problema kay Senador Christopher “Bong” Go kung magsagawa ng imbestigasyon sa operasyon ng mga Malasakit Center.

Ito ang naging tugon ng senador sa panghihikayat ni Albay 5th District Rep. Edcel Lagman sa Philippine Charity Sweepstakes Office’s (PCSO) na mag-imbestiga sa Malasakit Center.

Sa inilabas na pahayag, welcome sa kanila ang pagsilip sa operasyon ng Malasakit Center para malaman kung paano ito nakakatulong sa mga tao.

“Anti-poor” at walang partisan aniya ang Malasakit Center kung kayat bukas ito sa lahat ng Filipinong nangangailangan ng tulong-medikal.

Dagdag ni Go, ibinabalik lamang aniya sa publiko ang maayos na serbisyo sa pamamagitan ng mga ibinayad na buwis sa gobyerno.

Paliwanag pa nito, isa itong solusyon ng administrasyong Duterte para tumulong sa libu-libong Pinoy na humihingi ng tulong sa pagpapagamot.

TAGS: Malasakit Center, pcso, Sen. Christopher "Bong" Go, Malasakit Center, pcso, Sen. Christopher "Bong" Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.