Ilang kalsada, isasailalim sa road repair at reblocking ngayong weekend (Aug. 24 to 27)

By Angellic Jordan August 23, 2019 - 07:58 PM

Isasailalim ang ilang kalsada sa road repair at reblocking ngayong weekend.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimulang isara ang mga apektadong kalsada bandang 11:00, Biyernes ng gabi (August 23).

Narito ang listahan ng mga apektadong kalsada:

Southbound:
– EDSA corner Bulacan Street hanggang Philam (unang lane mula sa center island)
– EDSA mula Magallanes – Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes – Alabang Bus Stop (outer lane)
– EDSA Eugenio Lopez – Sct. Borromeo
– Katipunan Avenue mula pagkatapos ng Boni Serrano Tunnel hanggang P. Tuazon Street (truck lane)
– Quezon City sa bahagi ng EDSA Southbound sa pagitan ng West Avenue at Philam Village

Sa Eastbound:
– Quirino Highway Theresa Heights at before Belfast (inner lane)
– Elliptical Road bago Commonwealth Avenue (ikapitong lane mula sa outer sidewalk)

Sa Westbound:
– Novaliches General Luis bago ang Oriental Tin

Sa Northbound:
– EDSA Main Avenue hanggang P. Tuazon (unang lane mula sa sidewalk)
– C-5 Road C.P Garcia Bridge approach B
– Taguig City sa harap ng Palar Village 245 M before KM 17+000

Bubuksan naman muli ang mga nasabing kalsada para sa mga motorista bandang 5:00, Martes ng umaga (August 27).

Inabisuhan ang mga motorista na iwasan muna ang mga kalsada at dumaan sa mga alternatibong ruta.

TAGS: mmda, road reblocking, road repair, mmda, road reblocking, road repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.