Pilipinas, hindi illegal gambling haven – PAGCOR
Itinanggi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nagiging illegal gambling haven ang Pilipinas sa gitna ng patuloy na pagdami ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas.
Sa pagdinig ng House appropriations committee, sinabi ni Senior Manager for Offshore Gaming Victor Padilla na 2005 pa nang magsimulang mag-operate ang POGO sa Pilipinas.
Ligal anila ang operasyon ng mga ito kahit noon pa bilang ang mga POGO ay sakop naman ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).
Kung titingnan, napapakinabangan pa nga raw ng gobyerno ang POGO sa pamamagitan ng mga nalilikom na pondo mula sa mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.