Operasyon ng STL, hindi pa agad maaring ibalik – Garma

By Erwin Aguilon August 23, 2019 - 06:59 PM

Nilinaw ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma na hindi pa basta maaring mag-operate ang Small Town Lottery (STL).

Sa ambush interview sa Kamara, sinabi ni Garma na base sa bagong Implementing Rules and Regulations na inaprubahan ng PCSO board, kailangan munang tumalima sa apat na kondisyon ang mga STL operator.

Kabilang dito, ayon sa opisyal, ay ang pagdedeposito ng cash bond na katumbas ng tatlong buwang PCSO share sa guaranteed minimun monthly retail receipt o GMMRR na bukod sa kasalukuyan nilang cash bond.

Kapag nabigo aniya ang mga STL operator na makapag-remit sa oras ng kanilang GMMRR sa panahon ng kanilang operasyon, ang cash bond na katumbas ng tatlong buwan ay magiging awtomatikong forfeited pabor sa PCSO.

Ikatlo, kailangan ding gumawa ng sinumpaang kasulatan ang mga authorized agent corporation na kanilang susundin ang mga obligasyon na nakasaad sa STL-Agency agreement at hindi sila hihingi ng anumang claims sa ahensya maging ito man ay monetary at humingi ng injunction sa anumang korte upang pigilan ang gobyerno na i-exercise ang kanilang rights of prerogative.

Panghuli, lahat ng permit ng mga STL Agency na mabibigong sumunod sa mga kondisyon na nakasaad sa IRR ay awtomatikong mate-terminate.

Sa ngayon, ayon kay Garma, marami nang STL operators ang nagbabayad at inaasahan nila na sa susunod na linggo ay maari na muli silang mag-operate.

TAGS: IRR, pcso, Royina Garma, small town lottery, IRR, pcso, Royina Garma, small town lottery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.