Sarangani, Davao Occidental nilindol

Phivolcs photo

Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Davao Occidental, Biyernes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa 130 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 6:25 ng gabi.

May lalim ang lindol na 22 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...