Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na higit sa 1,000 bagong kaso ng HIV ang kanilang naitala.
Nabatid na ang naitalang 1,092 bagong kaso noong buwan lang ng Mayo ay mataas kumpara sa naitalang 950 kaso noong May 2019.
Base pa rin sa datos ng DOH Epidemiology Bureau, noong Mayo, 53 ang namatay dahil sa naturang sakit.
Nanatili naman ang pakikipagtalik bilang nangungunang paraan ng pagkahawa sa 1,059 kaso, may 14 na nahawa dahil sa paggamit ng infected needles at may anim na kaso ng pagkakahawa ay dahil sa mother to child transmission.
Marami pa rin sa mga bagong kaso ay sa Metro Manila (339), Calabarzon (170), Central Luzon (124), Central Visayas (82) at Western Visayas (79).
Simula noong 1984, 3,357 na ang namatay dahil sa HIV at AIDS mula sa naitalang 67,395 na kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.