Gagamiting Sampaguita-inspired torch sa 30th SEA Games, handa na

Handa na ang opisyal na gagamiting torch para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games, ayon sa Philippine South East Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Phisgoc na tapos na ang pagsasagawa ng torch na may disenyong hango sa pambansang bulaklak ng Pilipinas na Sampaguita.

Idinisenyo ito ng metal sculptor na si Daniel dela Cruz.

Ayon sa Phisgoc, mayroon itong walong gintong sinag na araw na sumisimbolo sa pagkakaisa, soberanya, kalayaan at social equality.

Tampok din sa torch ang national symbol ng iba pang ASEAN members.

Isasagawa ang 30th SEA Games simula November 30 hanggang December 11, 2019.

Read more...