Taylor Swift, inilabas ang music video ng kantang “Lover”

Inilabas na ng international singer and songwriter na si Taylor Swift ang music video ng kaniyang bagong single.

Pinamagatan ang kanta na “Lover” na bahagi ng kaniyang ika-pito studio album.

Inilabas ni Taylor ang music video sa kaniyang official YouTube channel.

Mismong si Taylor din ang nagsulat ng naturang kanta.

Sa unang siyam na oras matapos ilabas ang music video, umani na ito ng 3,679,549 views sa YouTube.

Read more...