Higit P1B halaga ng ilegal na sigarilyo, winasak ng BIR sa CDO

Winasak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga nasabat na ilegal na sigarilyo at ilang makina sa Cagayan de Oro City, araw ng Huwebes.

Ayon sa BIR Northern Mindanao, sinira ang mga sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit-kumulang P1 bilyon at P120 milyong halaga ng makina sa bahagi ng Barangay Bayabas.

Ang mga sinirang makina ang ginagamit sa paggawa ng nasabing ilegal na sigarilyo.

Nakuha ang mga gamit sa ikinasang tatlong raid noong May 26, 2018.

Read more...