Ex-DFA Sec. Perfecto Yasay, nagpiyansa na

By Jan Escosio August 23, 2019 - 02:36 PM

Personal na humarap sa korte ang inarestong si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.

Kasabay nito, kabuuang P240,000 ang inilagak niyang piyansa para sa mga kasong paglabag sa General Banking Law at New Central Bank Law.

Isinangkot si Yasay sa di umano’y sabwatan ng ilang opisyal ng Banco Filipino na nangyari noong 2003 hanggang 2006.

Giit naman ni Yasay, naging opisyal siya ng naturang bangko taong 2009.

Inaresto, Huwebes ng hapon (August 22), si Yasay sa bahay nito sa Makati City at dinala sa Manila Police District (MPD) Heaquarters.

Ngunit, Huwebes ng gabi, dinala ito sa Manila Doctors Hospital dahil sa paninikip ng dibdib at mataas na blood pressure.

Pinayagan naman ito ng doktor na humarap sa korte ngunit kinailangan na bumalik sa ospital.

Samantala, tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Bangko Sentral hinggil sa kaso ni Yasay sa katuwiran na masampahan sila ng kaso dahil sa paglabag sa subjudice rule.

TAGS: banco filipino, dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, General Banking Law, Manila Doctors Hospital, Manila Police District (MPD) Heaquarters., New Central Bank Law., banco filipino, dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, General Banking Law, Manila Doctors Hospital, Manila Police District (MPD) Heaquarters., New Central Bank Law.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.