Halos P10M halaga ng shabu nakumpiska sa 4 na suspek sa Cebu

Arestado ang apat na pawang mga high value target sa buy bust operation sa Dakbayan, Cebu Biyernes, Aug. 23 ng madaling araw.

Bandang alas 12:30 ng hatinggabi nang ikasa ang buy bust operation sa Sitio Viking, Barangay Mambaling sa naturang bayan kung saan nadakip sina Benerando Avistado Gemperoso, Jr. alyas Junjun, 27-anyos at isang beautician na kinilalang si Joven Avistado Gemperoso, 29 anyos.

Kasama sa naaresto sina Beverly Gemperoso Medina, 26-anyos at Regie Logico Medina, 29-anyos na pawang mga residente sa naturang lugar.

Nakuha sa mga ito ang nasa 1.35 na kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P9.1 milyong.

Ang apat ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...