Pinakamalaking kita ng PCSO galing sa STL ayon kay GM Garma
Pinakamalaking pinagkukunan ng kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang operasyon ng Small Town Lottery.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang pondo ng PCSO sa susunod na taon sinabi ni General Manager Royina Garma na 52 porsyento o P12.66 billion ang kinita nito sa STL simula Enero hanggang Hunyo ng taong 2019.
41 porsyento naman o kabuuang P10.09B ang kinita sa Lotto, sinundan Keno na P1.3B o 5 porsyento habang 2 porsyento naman o P500M ang sa Instant Sweepstakes.
Sinabi ni Garma na sa kinita sa STL pinakamalaki ang bahagi na napunta sa pagbabayad ng buwis na P2.81B o 22.18 percent.
Napunta naman sa charity fund ang P2.61B o 20.64 percent.
Sa ngayon mayroong 8,769 STL agents sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.