Pulis patay sa aksidente sa Pangasinan

By Mariel Cruz December 31, 2015 - 04:15 PM

calasiao pangasinanPatay ang isang pulis habang sugatan naman ang dalawa niyang kasama makaraang bumangga ang minamaneho nitong sasakyan sa mga nakaparadang sasakyan sa Barangay Buenlag sa Calasiao, Pangasinan kaninang umaga ng Huwebes.

Sa isang mensahe na ipinadala ni Supt. Ferdinand de Asis, ang tagapagsalita ng Pangasinan police, sinabi nito na kinilala ang pulis na si PO1 James Bryan Cayago na naka-assign sa Central Luzon regional police office sa Pampanga.

Binawian ng buhay si Cayago habang ginagamot sa Pangasinan Provincial Hospital (PPH) sa San Carlos City.

Ang mga sakay ni Cayago na ang mag-asawang sina Jomel at Susana Tamayo ay nasugatan sa insidente at dinala din sa PPH.

Paliwanag ni De Asis, binabaybay ni Cayago ang northbound lane ng national road sa Barangay Buenlag kaninang 12:35 ng hatinggabi nang lumihis ito sa kaliwang bahagi ng daan.

Dito na sumalpok ang sasakyan ni Cayago sa nakaparadang tricycle at van sa gilid ng kalye.

TAGS: Pangasinan road accident, Pangasinan road accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.